Nag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa telepono matapos ang 30th ASEAN Summit.
Bandang alas onse ng gabi kahapon naganap ang pag-uusap ng dalawang lider.
Ang naturang tawag ay kasunod ng inaasahang pagbisita ni Trump sa Pilipinas sa Nobyembre para makibahagi sa 1st ASEAN Summit and Related Meetings.
Ito na ang pangalawang phone call ng dalawa na alam ng publiko.
Unang ng sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati na kanyang kakausapin si Trump na huwag makipag-giyera sa North Korea dahil lubos na maapektuhan ang rehiyon ng ASEAN.
MOST READ
LATEST STORIES