Oil companies magpapatupad ng bigtime rollback

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Magpapatupad ng bigtime rollback presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Batay sa ilang mga insiders sa oil industry, nasa P0.90 hanggang P1.00 ang rollback sa kada litro ng gasolina.

Nasa pagitan naman ng P0.70 hanggang P0.80 ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P0.90 hanggang P1.00 sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang official advisory na magmumula mismo sa mga oil companies.

Magugunitang tatlong sunud-sunod na linggo nagpatupad na ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis dahil sa paggalaw ng halaga ng produktong petrolyo sa world market.

Tulad ng inaasahan ay posibleng sa araw ng Martes ipatupad ang price rollback sa petrolyo.

Read more...