Ibinida ng Pilipinas sa mga maybahay ng mga ASEAN leaders ang kultura ng mga Pinoy sa pagpasyal ng mga ito sa National Museum sa lungsod ng Maynila.
Sa pangunguna ni Honeylet Avanceña, partner ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinakita nito sa mga ASEAN leaders’ spouses ang mga obra maestra ng mga kilalang alagad ng sining ng bansa tulad ng mural na Spoliarium ni Juan Luna.
Ang talento ng mga Pinoy tulad ng mga pagtatangghal ng Pangkat Kawayan, katutubong sayaw mula sa sa Kalilayan Folloric Group at mga Voice Kids na sina Darlene Vibares at Reynan del Anay na nag-alay ng mga awitin sa mga dayuhang panauhin.
Ipinagmalaki rin sa mga bisita ang mga kakaiba at magagandang tela mula sa South Cotabato.
Ipinatikim din sa mga nasabing bisita ang pagkaing Pinoy tulad ng mga inihain sa pananghalian:
Kabilang dito ang kesong puti, mga lokal na gulay at prutas partikular ang mangga at ube at mga kakanin.
Samantala, sa siyam na ASEAN leaders’ spouses ay lima lamang ang dumalo o nakapunta sa National Museum bukod kay Avanceña.