Ayon sa report, aabot sa 80 mga rebelde ang pumasok sa barracks ng Lapanday Food Corporation dakong 3:30 madaling araw kanina.
Pinostehan din ng mga rebelde ang kalsada patungo sa lugar at hindi pinayagang makapasok ang mga tao.
Ayon kay Davao City Police spokesperson,Supt. Teresita Gaspan, nagpadala na sila ng mga tauhan sa lugar na isang bulubunduking bahagi ng lungsod parta tugisin ang mga rebelde.
Sinasabi sa paunang ulat na isang NPA member ang napatay maliban pa sa mga sugatan nang sila’y makipag-barilan sa mga pulis habang tumatakas.
Nauna dito ay sinalakay rin ng mga rebelde ang Macandray plastic plant sa Barangay Bunawan kung saan ay kanila ring dinisarmahan ang mga security guards sa lugar.
Kasabay nito ang kanilang paglusob sa Lorenzo Ranch sa na sakop ng Barangay Pangyan at Calinan na nagresulta sa pagkakasugat ng isang security guard.
Kaugnay nito, tinawag ni Davao City Mayor Sara Duerte-Carpio na isang uri ng terorismo ang naganap na mga pagsalakay ng NPA.
Itinuturing rin niyang “personal insult” ang ginawa ng mga rebelde dahil patuloy pa naman sa pakikipag-usap tungo sa kapayapaan ang mga lider ng komunistang grupo.
“We condemn these acts committed by a group that pretends to champion social justice and equality. With its history of carrying out atrocities and its continued penchant for lawlessness and bloodbath, the NPA is an organization that is not worthy of our trust and respect,” ayon sa inilabas na pahayag ni Duterte-Carpio.