Abu Sayyaf lider na si Alhabsi Misaya napatay ng militar

Indanan-SuluPatay ang Abu Sayyaf Group na si Alhabsi Misaya sa naganap na engkwentro sa Indanan, Sulu.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng militar sa bahagi ng Barangay Silangkan, Indanan nang makasagupa ang grupo ni Misaya.

Wala naman napaulat na nasawi sa panig ng militar habang nagsitakas naman ang mga terorista sa kasagsagan ng bakbakan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na niya ang bandidong grupo sa mas mabilis na panahon.

Read more...