UK, makakatuwang ng Japan sa pagharap sa problema sa NoKor, South China Sea

shinzo-abeMakikipagtulungan si Japanese Prime Minster Shinzo Abe sa Britain upang mapigilan pa ang mga bantang dulot ng tahasang paglabag ng North Korea sa international order, pati na ang namumuong tensyon sa mga teritoryo sa South China Sea.

Sa kaniyang pagbisita sa official residence ni British Prime Minister Theresa May, sinabi ni Abe na ang Britain ang kanilang numero unong kaalyado sa lahat ng mga bansa sa Europa.

Dahil dito, magtutulungan aniya ang Japan at ang Britain na harapin ang destabilisasyon na dulot ng missile program ng North Korea.

Ito din ang nakikita niyang paraan para makatulong sa lumalalang sitwasyon sa South China Sea.

Nagkasundo na aniya sila ni May na magtutulungan sila sa pagharap sa mga nasabing isyu.

Read more...