Update: 11 sugatan sa pagsabog sa Quiapo

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

(Update) Umabot na sa 11 katao ang nasugatan sa pagsabog na naganap malapit sa bahagi ng Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila.

Base sa inisyal na ulat mula sa mga pulis, naganap ang pagsabog dakong 10:49 ng gabi ng Biyernes.

Lima sa mga biktima ang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at kritikal ang kundisyon ngayon sa ospital.

Sinasabing isang atis-type na hand grenade ang inihagis sa isang peryahan.

Hindi pa alam hanggang sa ngayon kung sino ang naghagis ng naturang pampasabog, kaya sisilipin na rin ng mga pulis ang mga CCTV footage sa paligid ng pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa mga taga-Barangay, isa sa posibleng motibo ang away sa sugal na dahilan ng paghahagis ng granada.

Napasugod naman sa lugar sina NCRPO Chief Oscar Albayalde at MPD Director Joel Coronel matapos ang pagsabog.

Ang naturang insidente ay naganap kasabay ng pagdaraos ng ASEAN Summit 2017 dito sa Pilipinas.

Kuha ni Cyrille Cupino
Read more...