T
Ngunit kasabay naman nito ang hamon ni GM Balutan na manghuli naman ng mga malalaking illegal gambling operators o gambling lords at hindi lang mga ordinaryong tauhan ng mga ito.
Bunga nito, nangako si Police Sr. Supt Rhodel Sermonia, ng PNP Directorate for Police Community Relations, na susuportahan ang poprotektahan nila ang small town lottery (STL) ng PCSO.
Paliwanag pa nito, magpapatupad sila ng operation high roller na may tatlong bahagi, ang collective intelligence operation, investigative phase at intervention phase.
Dagdag pa ni Sermonia para naman protektahan nila ang STL sa mga nagbibigay proteksyon sa mga ilegal na sugal, binuo nila ang counter intelligence task force na may misyon hulihin ang mga kabaro nila sa uniporme na sangkot sa illegal gambling.