Na
Sa isang pahayag, partikular na ikinababahala ng ASEAN ang dalawang nuclear test at mga sumunod na missile launch ng North Korea.
Naniniwala ang ASEAN na anumang instability sa Korean Peninsula ay maaaring maka apekto hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.
Kaugnay nito, hinikayat ng ASEAN ang North Korean Government na sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng mga kaukulang united nations security council resolution at international law para sa interes ng kapayapaan at seguridad.
Hinikayat din ng ASEAN ang lahat ng partido na maging mahinahon upang mapahupa ang tensyon at umiwas sa mga aksyon na lalong magpapalala sa sitwasyon.
Suportado ng ASEAN ang denuclearization ng Korean Peninsula kaya nananawagan ito sa muling pagbubukas ng dayalogo para makalikha ng kondisyon para sa pagbabalik ng kapayapaan at katatagan sa nasabing lugar.