PNP, hinamon na magsagawa ng jail audit, missing persons dumadami

chito gasconNanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pambansang pulisya na magsagawa ng audit sa lahat ng mga kulungan na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, hindi maisasantabi ang posibilidad na may mga katulad na secret detention facility din sa iba pang himpilan ng pulisya katulad ng nadiskubre nila sa Manila Police Station 1 sa Tondo.

Dagdag pa ni Gascon dapat ay magtulungan ang Department of Justice (DOJ) at ang PNP para papanagutin ang mga nagmintina ng nadiskubre nilang sikretong kulungan.

Sinabi pa ni Gascon na ang pangyayari ay maituturing na kaso ng enforced disappearance.

Read more...