Pagsibak sa station commander ng MPD Station 1, welcome sa Malakanyang

AlbayaldePinuri ng Palasyo ng Malakanyang si NCRPO Director Oscar Albayalde sa agarang pagsibak sa hepe ng MPD Station Commander 1 na si Supt. Roberto Domingo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, patunay ito na mabilis na umaksyon ang PNP.

“We commend Police Director Oscar Albayalde, Regional Director of the National Capital Region Police Office (NCRPO) of the Philippine National Police (PNP) for acting decisively, and ordering the administrative relief of the Manila Police District Station Commander 1 and directing the Regional Internal Affairs Service to conduct an investigation.”

Tinanggal sa pwesto si Domingo matapos madiskubre ang ilang drug suspect na nakakulong sa tagong selda.

Sa ngayon ayon kay Abella, hindi na muna maglalabas ng karagdagang komento ang palasyo hanggang wala pang inilalabas na report ang PNP sa ginagawang imbestigasyon.

“The report of the investigation will be forthcoming, and only then do we release further comment on the matter.”

Una rito inatasan na ng PNP ang Internal Affairs Service na magsagawa ng imbestigasyon kay Domingo kung bakit ikinulong sa tagong selda ang mga nahuling drug suspect at hindi ibinlater sa pulis.

Read more...