Itinanggi ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz na may kinalalaman o may nalalaman siya sa diumano’y planong pagpatay sa gambling operator na si Charlie Atong Ang.
Kasabay nito dinipensahan din ni Corpuz sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at National Security Adviser Hermogenes Esperon sa bintang ni Ang na kabilang ang mga ito na nais siyang ipapatay.
Dagdag pa ni Corpuz inaasahan na nila ang mga ganitong isyu na ipupukol sa PCSO dahil sa ginagawa nilang pagpapalawig sa operasyon ng Small Town Lottery (STL).
Iginiit din ng opisyal na ang pagpili nila sa authorized agent corporations ay dumadaan sa mahigpit na proseso.
Pagtitiyak pa ni Corpuz sa publiko, wala silang itinatago kaugnay sa operasyon ng STL sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES