Tangkang pagpatay kay Atong Ang,pinabulaanan ni National Security Adviser Esperon

esperonHinamon ni National Security Adviser Heromeges Esperon si Atong Ang na maglabas ng ebidensya at testigo na magpapatunay na pinagbabantaan niyang patayin ang naturang gambling operator.

Ayon kay Esperon, tumatahi na naman ng panibagong kasinungalingan si Ang.

Giit pa ni Esperon, nagiging paranoid na si Ang na normal lamang para sa isang taong sangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad.

Hindi maikakaila ayon kay Esperon na kilalang gambling lord si Ang at sangkot sa operasyon ng jueteng.

Ginagawang front lamang ni Ang ang kanyang nakuhang lisensya na mag-operate ng jai-alai sa Cagayan Economic Zone subalit ginamit lamang ito sa operasyon sa jueteng.

Hinimok pa ni Esperon ang publiko na suriin ang record sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sila ang higit na nakababatid sa illegal gambling operations ni Ang.

Read more...