Aniya, sa nakalipas na 70 taon, pwersa ng United States ang nangangalaga sa seguridad sa Asya-Pasipiko. Sinabi ng dating pangulo na panahon na angkinin ng mga bansang kasapi ASEAN ang responsibilidad sa kapayaan sa rehiyon.
Naniniwala si Ramos na kung kaya ng ASEAN na pumasok sa anim na nangungunang ekonomiya sa mundo, kaya rin nitong maging makapangyarihan sa pwersa ng militar.
Nauna nang hinikayat ni Indonesian President Joko Widodo ang ASEAN na magkasundo ukol sa usapin sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, bago makipag-usap sa China para talakayin ito.
Batay naman sa balangkas na pahayag ng ASEAN, inaasahang masyadong matatalakay sa ASEAN Summit ngayong linggo ang isyu South China Sea.