Mga opisyal ng DA, maglalayag sa Benham Rise sa unang linggo ng Mayo

benham-riseIpagpapatuloy na ng Department of Agriculture (DA) sa May 5-7 ang naudlot na paglalayag sa Benham Rise.

Magsasagawa ng pag-aaral sa mga likas-yaman sa lugar ang mga mananaliksik ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Pag-aaralan din ng mga opisyal kung ano ang maaaring gawin para maprotektahan ang lugar.

Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, maglalayag sa Benham Rise ang Research Vessel MV DA-BFAR, apat na mas maliit na sasakyang-pandagat na DA-BFAR, at tinatayang isang dosenang FB Pagbabago na fiberglass fishing boats.

Kasama ring tutungo sa lugar ang mga mangingisda.

Magmumula sa Infanta, Quezon ang paglalayag tungo sa pinakamababaw na bahagi ng “Philippine Rise,” ayon kay Piñol.

Naunang itinakda ng DA ang paglalayag sa Benham Rise noong Semana Santa, ngunit ipinagpaliban ito dahil sa sama ng panahon.

Read more...