Sinabi ni Pangilinan na kailangang mapanagot ang mga responsable sa insidente sa lalong madaling panahon.
Ayon kasi sa ilang suspek, ikinulong sila sa lihim na selda at hinihingan ng kabayaran kapalit ang kanilang kalayaan.
Sa reaksyon ng senador kaugnay rito, binanggit din niya ang mga kasong sangkot umano ang mga pulis gaya ng pagpatay kay Jee Ick Joo, at kay Albuera Mayor Rolando Espinosa na aniya’y pawang nagtatago sa ilalim ng gyera kontra droga.
Iginiit ni Pangilinan na kapag hindi pa natugunan ang “pang-aabusong” gaya nito, mabibigo ang gobyerno sa gyera na sugpuin ang droga, at sa halip, palaganapin na lamang ang kawalan ng batas, at katiwalian at pang-aabuso ng pulisya.
Itinanggi naman ni Raxabago Police Station commander Supt. Robert Domingo ang alegasyon. Aniya, pawang mga naaresto sa one time big time operations ang mga suspek at hindi pa isinasama ang mga ito sa iba pang bilanggo dahil inihahanda pa ang mga kaso laban sa kanila.
Ang naturang ‘secret detention cell’ ay natagpuan sa likod ng shlef ng Drug Enforcement Unit.