Personal na pinangunahan ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa kasama si NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde inspeksyon sa bisinidad ng pagdarausan ng ASEAN Leaders Meeting sa Pasay City.
Ito’y matapos na magreklamo kahapon ang mga pulis na nakadeploy sa ASEAN Summit ng kawalan ng tubig na maiinom at portalets.
Ayon kay Dela Rosa, kumpleto na at natugunan na ang pangangailangan ng lampas 27,000 police personnel na na nakadeploy sa ASEAN Summit.
Gagawin na rin umano na daily o araw-araw ang gagawing inspection ng Joint Task Force NCR sa tropa na nakadeploy para matiyak na mabibigyan ng kanilang pangangailangan ang mga sundalo at pulis na nagbabantay sa nasabing international event.
Binisita rin ng mga PNP officials ang Multi-Agency Coordinating Council command post ng ASEAN Summit sa Esplanade sa Mall of Asia.
Dito ay mamomonitor ang kabuuang sitwasyon sa paligid ng Philippine International Convention Center at CCP Complex na siyang magiging sentro ng pagpupulong ng mga ASEAN leaders at mga delagado.