Reaksyon ito ni Paynor sa mga puna mula sa foreign media na masyadong malabnaw at malamya ang lumabas na Chairman’s statement kaugnay sa nagpapatuloy na ASEAN Summit.
Sinabi ni Paynor na draft pa lang naman ang nasabing ulat na kumalat sa ilang media firms.
Bilang Chairman ng ASEAN 2017 ay magiging parehas umano ang Pilipinas sa pagbibigay ng mga pahayag kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Ipinaliwanag rin ni Paynor na hindi confrontational ang pangulo sa nasabing isyu bagkus ay naghahanap ito ng mapayapang solusyon kaugnay sa mga pinag-aagawang mga isla sa lugar.
Binigyang-diin rin ng opisyal na dahil draft pa lamang ang mga inilathala ng Reuters, AFP at AP malamang ay mabago pa ito dahil hanggang sa Sabado pa naman ang ginaganap na leaders’ meeting.