PNoy, tiyak na haharap sa reopening ng Mamasapano probe sa Senado

pnoyTiwala si Sen. Grace Poe na haharap si dating Pangulong Noynoy Aquino kung muling iimbestigahan sa Senado ang Mamasapano incident.

Ayon kay Poe, sinabi na noon ni Aquino na malinis ang kanyang konsensya sa pagkamatay ng 44 SAF commandos at naniniwala siya na walang itinatago ang dating pangulo hinggil sa trahedya.

Dagdag pa nito na noon iniimbestigahan nila ang insidente wala naman tumawag sa kanila mula sa Malakanyang para ipakiusap na maghinay hinay sa pagtatanong.

Reaksyon ito ni Poe sa plano ni Sen. Dick Gordon na sa pangatlong ulit ay muling maimbestigahan sa Senado ang mamasapano incident.

Naniniwala si Gordon na dapat ay papanagutin si Aquino sa pangyayari.

Ayon pa kay Poe, susuportahan niya ang nais ni Gordon kung may mga bagong ebidensiya itong ihaharap.

Read more...