SSS Chairman Amado Valdez, isinubpoena ng NBI kaugnay sa maanomalyang NPO deal

valdez sssIpinatawag na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Social Security System (SSS) Chairman Dean Amado Valdez upang hingan ng paliwanag kaugnay sa sinasabing P74 million scam sa pagpapaimprenta ng nasabing ahensiya ng ‘document forms’ sa National Printing Office (NPO).

Naglabas na ng imbitasyon ang tanggapan ni Anti-Fraud Division (AFRAD) chief Atty. Irvin Garcia para sa SSS chairman at iba pang personalidad na makapagbibigay-linaw hinggil sa iniimbestigahan nilang anomalya sa NPO.

Paglilinaw naman ng NBI na hindi ‘suspect’ si Valdez kundi kailangan nila ang matalinong pahayag at opinyon nito tungkol dobleng kontrata na ini-award sa apat na security printers.

Magugunitang sumambulat ang anomalya sa NPO nang mabuko na bukod sa Western Visayas Security Printers na pag-aari ni Raymond Malapayo ay binigyan din ng hiwalay na kontrata ang siansabing Big 3 na ‘accredited security printers’ ng ahensiya na Tri-Print Works, pag-aari ni Ramil Tamayo; Best Forms ni Benjamin Yam at ni Metro Color ni Celso Viray.

Kamakailan ay naglabas din ng ‘subpoena’ ang tanggapan ni Garcia sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng NPO.

Nauna nang tumanggi si NPO Deputy Director Sherwin Castaneda, nag-resign na chairman ng Bids and Awards Committee (BAC), na siya ang nasa likod ng pag-aaward ng dobleng kontrata.

Gayunman, hinihintay na lang din ng NBI-AFRAD ang pormal na pagsusumite ng testimonya ni Ruben Dancel, dating hepe ng Production Planning and Control Division (PPCD) ng NPO.

si Dancel umano ang inutusan ni Castaneda para kanselahin ang kontrata ng Western Visayas at i-award sa Big 3.

Read more...