Ito’y matapos na makumpirma ng DAR na umaabot sa 4,000 mula sa 5,212 na mga farmer-beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP ang nagbenta, o di kaya ay ipinarenta na ang kanilang mga lupa.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, umiiral pa rin ang 10-year ban sa mga may hawak ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA na nagbabawal sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga lupa.
Kasama rin aniya sa naturang kanselasyon ang lahat ng mga pinasok na joint venture arrangements sa mga lote na nasa ilalim ng CLOA.
Binawi na rin ni Mariano ang conversion order para sa 500 ektarya ng Hacienda LUisita na binili ng RCBC na pinasok kamakailan ng mga magsasakang kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
Inaalam na rin ng DAR ang dahilan kung bakit mas minarapat ng mga benepisyaryo na iparenta o ibenta na lamang ang lupang binigay sa kanila ng gobyerno.
Ang Hacienda Luisita na pag-aari nina dating pangulong Cory at Noynoy Aquino ay una nang ipinag-utos ng Korte Suprema na hati-hatiin at ipamahagi na sa mga magsasaka noong 2012