Napanatili ng bagyong ‘Dante’ ang lakas nito habang tinatahak ang north northwest direction.
Sa pinakahuling datos ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,095 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 65 kilometro kada oras.
Tinatahak nito ang direksyong north-northwest sa bilis na 13 kph.
Inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of responsibility sa Byernes ng gabi.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa silangan hanggang sa timog-silangan ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at mula naman sa hilagang-silangan hanggang sa silangan sa natitirang bahagi ng bansa.