Aabot sa mahigit 89, 000 mga lupain at iba pang mga real estate properties sa lungsod ng Maynila ang napipintong ilitin ng lokal na pamahalaan dahil sa pagkabigong makapagbayad ng real property tax.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Esterada, kanilang binigyan na ng ‘ultimatum’ ang mga may-ari ng lupa na bayaran ang kanilang obligasyon at kung hindi ay kanila nang kukumpiskahin at isusubasta na ang mga ito.
Dahil aniya sa hindi pagbabayad ng real property tax ng mga mag-ari ng mga property, aabot sa 16 na bilyong pisong buwis ang nawawala sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
Sa ultimatum ng lokal na pamahalaan, hanggang June 2017 na lamang ang deadline ng mga may-ari ng mga lupa upang bayaran ang kanilang buwis.
Kung hindi pa rin makapagbayad, agad na nilang idadaan sa proseso ng pag-iisyu ng warrant of Levy at public auction ang mga lupain.