Sa kanyang unang laban matapos ang ‘doping ban’, nakaharap ni Sharapova ang Italian player na si Roberta Vinci sa round 32 ng Porsche Grand Prix sa Stuttgart, Germany.
Dahil hindi pa tapos ang kanyang ban, sa isang maliit na tennis club sa labas Stuttgart nag-practice ang kontrobersyal na manlalaro at pinapasok lamang sa venue ng laban pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi.
Ang 30-anyos na si Sharapova ay unang sumikat sa larangan ng tennis noong siya ay teen-ager makaraang makapasok sa Wimbledon.
Nanalo na ito ng limang Grand Slam Title.
Gayunman, noong nakaraang taon, nabalot sa kontrobersiya ang career ng Russian tennis superstar makaraang patawan ng suspension sa paglalaro ng professional tennis matapos bumagsak sa drug test sa kasagsagan ng 2016 Australian Open.
Lumitaw sa kanyang drug test na gumagamit ito ng gamot na ‘meldonium’ na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).