Director ng ‘Silence of the Lambs’ at ‘Philadelphia’ pumanaw na

 

Pumanaw na ang ang 73-anyos na American movie director ng Oscar winning film na ‘Silence of the Lambs’ na si Jonathan Demme.

Ayon sa kanyang publicist, namatay ang director sa New York sanhi ng matagal na nitong sakit na esophageal cancer.

Bukod sa pelikulang ‘Silence of the Lambs’ na pinagbidahan nina Anthony Hopkins at Jodie Foster noong 1991, si Demme rin ang nag-direct ng pelikulang ‘Philadelphia’ na pinagbidahan nina Denzel Washington at Tom Hanks.

Kapwa nanalo ng mga award ang dalawang pelikula sa Oscars.

Nagpahatid naman ng pakikiramay sa kanyang mga naiwang mahal sa buhay sa pagpanaw ng kilalang direktor.

Read more...