Dagdag na paalala pa ni Comelec Chair Andres Bautista na hanggang alas-5:00 lang ng hapon bukas ang mga local Comelec offices.
Paliwanag pa nito na ang kanilang mga registration machine ay kaya lang tumanggap ng 250 applications sa isang araw.
Pinansin nito ang ‘last minute attitude’ ng ating mga kababayan na sa last day nagkukumahog o naghahabol.
Kayat payo ni Bautista, simula bukas ay may tatlong araw pa ang mga nais magparehistro para makaboto sila sa Barangay at Sk elections sa darating na Oktubre.
READ NEXT
Isyu ng pang-aagaw ng teritoryo ng China, posibleng hindi masyadong tutukan sa ASEAN summit
MOST READ
LATEST STORIES