Ito’y kahit na magiging bahagi ng serye ng mga usapin ang isyu ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng mga claimant countries sa mga isla at bahura sa South China Sea.
Sa 20-pahinang ‘draft’ ng ASEAN summit statement na nakita ng Associated Press, Reuters at Agence-France Presse, lumilitaw na hindi binabanggit dito ang China at maging ang naging desisyon ng international arbitral tribunal na pumapabor sa Pilipinas.
Tanging ang pagkabahala lamang ng ilang mga lider sa pagtaas ng aktibidad sa pinag-aagawang rehiyon ang binabanggit sa naturang statement.
“We shared the serious concerns expressed by some leaders over recent developments and escalation of activities in the area which may further raise tensions and erode trust and confidence in the region,” ayon umano sa draft statement.
Gayunman, ayon umano sa isang diplomat mula sa ASEAN Secretariat, hindi pa naman tapos ang naturang statement at maari pa itong magbago hangga’t hindi pa opisyal na nagtatapos ang summit.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Marciano Paynor Jr., director general ng ASEAN summit organizing committee, dapat ay manatiling ‘neutral’ ang Pilipinasa sa isyu ng South China Sea dispute dahil nagsisilbing ‘host’ ang bansa sa naturang okasyon.