Ipinatitigil na ng Malacañang sa New York Times ang paglalabas ng mga malisyosong editorial kaugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pinakahuling editorial ng New York times na may pamagat na ‘Let the world condemn Duterte’ ay hinihimok nito ang International Criminal Court na agad na magsagawa ng preliminary investigation sa kasong crime against humanity na isinampa ni Atty. Jose Sabio laban sa pangulo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo maituturing na reckless, irresponsible at baseless ang editorial ng NYT.
Giit ni Panelo, walang findings ang anumang investigating body sa Pilipinas na nagdiiin sa pangulo na sangkot ito sa extra judicial killings.
Katunayan, sinabi ni Panelo na may ginawang imbestigasyon ang Senado ng Pilipinas at inabswelto naman ang pangulo sa nasabing mga akusasyon.
Binigyang-diin pa ng opisyal na walang basehan ang mga inilatag na detalye ng New York Times sa kanilang editorial.