Ipinauubaya na ng Malacañang kay Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ang pagresolba sa tangkang takeover ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa lalawigan ng Tarlac.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang DAR ang gumagawa ng pinal na desisyon sa mga magsasakang naghahabol ng lupain na pag -aari ng pamilya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sa nagyon ayon kay Abella, wala pang pinal na desisyon na ibinigay ang DAR sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, sinugod ng mga magsasaka ang Hacienda Luisita matapos mabatid na naibenta na ang pag-aari ng upa sa isang pribadong bangko na rcbc o Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).
MOST READ
LATEST STORIES