Inanunsyo ngayon ng Supreme Court ang petsa ng paglalabas ng resulta ng 2016 Bar Examinations.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ilalabas ang resulta ng pinakamahirap na pagsusulit sa bansa sa May 3 matapos magsagawa ng special en banc session ang mga mahistrado.
Sa nasabing sesyon tatalakayin ng mga Supreme Court justices ang passing grade.
Sa ilalim ng Rules of Court kailangang makakuha ng 75 percent ang isang bar examinee sa lahat ng subject upang makapasa pero maari itong ibaba ng mga mahistrado.
Umabot 6,831 bar graduates ang kumuha ang pagsusulit sa University of Sto. Tomas sa bar exam na ginawa sa lahat nfg araw ng Sabado noong Nobyembre ng nakalipas taon.
Kabilang sa mga subject sa bar exam ang Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law, Legal at Judicial Ethics.
Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr ang siyang Chairman ng 2016 bar exam.