Sentro ngayon ng atensyon sa Asya ang Pilipinas sa pagsisimula ng ASEAN summit ngayong araw.
Sampung mga bansang kasapi ng ASEAN at kanilang mga delegado ang magsasama-sama sa serye ng mga pagpupulong dito sa Pilipinas upang talakayin ang iba’t-ibang isyu.
Partikular na tututukan sa mga pagpupulong ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansang miyembro ng ASEAN at ang pagtitiyak ng food security sa rehiyon.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, inaasahang maglalabas ng joint statement ang mga dumalong lider ukol sa natalakay na usapin..
Inaasahang tatalakayin rin sa pagpupulong ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kung saan ang Pilipinas ang host ng selebrasyon ng ika-limampung taong anniversary ng pagkakatatag ng ASEAN.
Samantala, wala namang namomonitor na anumang banta ng terorismo sa bansa sa gitna ng ASEAN summit.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, ‘all bases covered’ ang lahat kung pag-uusapan ang pagbibigay seguridad sa mga delegadong dadalo sa naturang pagpupulong.
Naakalerto na aniya lahat ng mga security forces upang matiyak na walang ‘untoward incident’ na magaganap sa kasagsagan ng summit.