Dagdag na 300 Immigration personnel para sa ASEAN

 

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration na magtatalaga sila ng mahigit 300 nilang tauhan para sa mga delegado na dadalo sa ASEAN summit.

Nabatid na may mga dedicated personnel na itatalaga para sa pag-proseso ng mga delegado para sa pulong sa April 26 hanggang April 29.

Bukod sa NAIA, may mga tauhan din ang kawanihan sa multi-agency coordinating center sa Mall of Asia at sa iba pang summit venues.

Sinabi naman ni BI spokesman Antonette Mangorabang ang ibibigay nilang dedicated service sa ASEAN delegates ay tatagal hanggang Nobyembre, kung kailan gaganapin ang 31st ASEAN Summit sa Clark, Pampanga.

Read more...