Ex-Rep. Mark Jimenez, pumanaw na

 

Mula sa LinkedIn

Sumakabilang-buhay na ang dating kongresista at negosyanteng si Mark Jimenez sa edad na 70.

Kinumpirma ng pamilya ni Jimenez ang pagpanaw nito dakong alas-6:00 ng umaga ng Martes, bagamat hindi binanggit ang dahilan ng pakamatay ng dating mambabatas at negosyante.

Naging matalik na magkaibigan sina Jimenez at dating Pangulong Joseph Estrada at hinirang pa ito noong ng dating pangulo bilang adviser sa Latin American Affairs.

Si Jimenez o Mario Batacan Crespo ay naging dating kinatawan ng District 6 ng Maynila noong 2001 ngunit napatalsik sa puwesto makaraang maakusahan ng vote-buying.

Una rito, naging matagumpay ang computer distribution company ni Jimenez na nakabase sa Miami, Florida, na umabot sa Latin America.

Naulila nito ang kanyang 13 anak.

Nakaburol ang mga labi ni Jimenez sa Funeraria Rey sa Pandacan sa Manila bago ilipat sa sa Heritage Park sa Taguig City.

Read more...