15 sibilyan patay sa pamamaril sa Mosul, Iraq

 

Hindi bababa sa 15 katao ang minasaker umano ng mga Jihadist militants na kasapi ng Islamic State sa central Mosul, Iraq.

Ayon sa ulat ng Joint Operations Command, nagawang makapasok ng Mosul ng mga Jihadist militants matapos magpanggap na mga pulis ang mga ito.

Suot ang mga uniporme ng federal police, malugod pa na sinalubong ng mga residente ang convoy ng mga miyembro ng ISIS sa pag-aakalang mga lehitimong mga alagad ng batas at mga liberators ang grupo.

Gayunman, nang makapasok sa Old City, dito na dinakip ng mga ito ang sibilyan at walang habas na pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Kabilang sa mga sibilyang nasawi ay mga kabataan at kababaihan.

Read more...