Ang naturang biopic na pinamagatang ‘Blond Ambition’ ay sesentro sa naging buhay ng pop icon noong ito ay nasa rurok ng kasikatan noong dekada otsenta.
Ang biopic ay nakatakdang i-produce nina Michael De Luca ng pelikulang ‘Fifty Shades of Grey’ Brett Ratner at John Zaorziny.
Magiging laman ng pelikula ang paglipat nito mula Michigan, tungong New York City kung saan una itong nagtangkang gumawa ng pangalan sa larangan ng pagsasayaw.
Gayunman, kalaunan, nagpasya itong lumipat sa paggawa ng mga kanta at pag-awit kung saan ito nakilala at sumikat.
Taong 1983 nang unang lumabas ang album ni Madonna kung saan laman ang mga hit songs na ‘Holiday,’ ‘Borderline’ at Lucky Star.
Pinakahuling album ni Madonna ang ‘Rebel Heart’ na inilabas noong 2015.