Kor-Am drug suspect hinahanap na rin ng Immigration Bureau

 

Patuloy ang paghahanap rin ng Bureau of Immigration sa Korean-American drug suspect na si Jun No alias Jazz.

Sinabi ni Immigration Spokesman Antonette Mangorabang simula noong April 19 ay mayroon na silang lookout bulletin order para kay No, na tumakas mula sa East Avenue Medical Center noong April 15.

Ayon pa kay Mangorabang wala pa silang namomonitor na nakalabas na ng bansa si No.

Base sa record ng Kagawaran huling lumabas ng bansa ang banyagang pugante noong September 6, 2014 mula sa Mactan, Cebu Intl Airport patungo sa Seoul, South Korea ay nagbalik din ito sa Pilipinas makalipas ang limang araw.

Naaresto si No dahil sa pagbebenta ng mga ecstacy tablets sa parking lot ng Mall of Asia.

Matapos madakip naoperahan naman ito sa EAMC dahil sa acute appendicitis.

Read more...