4 na ang dayuhang terorista na napapatay sa Lanao ops-AFP

File Photo

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na kabilang ang 4 na dayuhang terorista sa 37 bandido na napatay ng militar sa operations laban sa Maute terror group sa Piagapo, Lanao del Sur.

Ayon kay Año, sa nasabing bilang, 3 ang Indonesians at isa ang Malaysian na hinihinalang miyembro ng international terrorist group na Jemaa Islamiyah.

Sa ngayon, 14 sa 37 na napatay pa lang ang tukoy na ang pagkakakilanlan kabilang ang lider ng Maute group na si Imam Bantayao, dating lider ng MILF bravo company.

Samantala, nagpapatuloy pa umano ang follow up at mopping up operations matapos lusubin ng pinagsanib na pwersa ng Army, Navy, at Airforce ang balwarte ng Maute group sa Piagapo.

Kaugnay nito, inaalam din ng militar kung nakasama sa mga nasugatan o napatay si ASG leader Isnilon Hapilon na hanggang sa ngayon ay wala pang nakukuhang proof of life.

Read more...