Self-imposed deadline itinakda ng AFP upang pigilan ang pamamayagpag ng ASG at Maute group

 

Nagbigay ng self-imposed deadline ang Armed Forces of the Philippines para pahinain ang pwersa ng Abu Sayyaf Group maging ang grupong Maute.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni AFP spokesman Brig. General Restituto Padilla na hanggang Hulyo lamang ng taong kasalukuyan dapat mapababa ang pwersa ng ASG at Maute.

Sa ngayon ayon kay Padilla, mula sa limang daan, nasa tatlong daan na lamang ang miyembro ng ASG.

Sentro pa rin ng kuta ang ang Jolo, Sulu.

Gayunman, sinabi ni Padilla na hindi purong military operation ang solusyon sa pagpapahina sa puwesra sa asg.

Maari aniyang idaan sa political, social at economic solution ang problema sa bandidong grupo.

Read more...