Paliwanag ni Del Rosario, dahil sa naturang desisyon, naipairal ang isinasaad ng batas hinggil sa claim ng Pilipinas sa South China Sea.
Ang naturang desisyon aniya ay bahagi na ng international law kaya’t dapat ay maging bahagi rin ito ng bubuuing code of conduct framework at ang inaasahang pinal na resulta ng COC.
Giit pa ng dating Kalihim, dapat ay huwag nang hintayin ng administrasyon ang tamang panahon para talakayin ang pang-aagaw ng teritoryo ng China at sa halip, dapat na manguna na ang Pilipinas sa pagpapairal ng naging desisyon ng International arbitral tribunal.
Una nang sinabi ni Acting DFA Secretary Enrique Manalo na target ng regional bloc na makabuo ng opisyal na Code of Conduct framework sapagsapit ng buwan ng Hunyo.