NHA nalugi dahil sa pang-aagaw ng Kadamay ng housing units sa Bulacan

Kadamay Pandi
Inquirer file photo

“Bakit pa kami maghuhulog kung puwede naman pala ang libre”.

Ito ang ikinakatuwiran sa ngayon ng mga nakatira na sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan kapag sinisingil sila ng kanilang buwanang hulog.

Sa ginawang briefing kanina ng mga mga opisyal ng National Housing Authority (NHA) kina Sen. JV Ejercito ay sinabi ni NHA Deputy Area Manager for Central Luzon Romuel Alimbuyao na bumaba ang kanilang koleksyon dahil sa pag-okupa ng mga Kadamay members sa daan- daang pabahay.

Nabatid na halos 50 porsiyento ng monthly amortization ang hindi na nasisingil ng NHA.

Bunga nito ay hinihiling ng NHA sa gobyerno at kongreso na bumalangkas ng malinaw na panuntunan sa pangamba na maubos ang pondo ng ahensiya.

Read more...