May kaugnayan ito sa gaganaping Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa bansa na magsisimula sa April 26 hanggang 29.
Nauna dito ay kinansela ng Malacañang ang klase at pasok ng mga empleyado sa mga lugar na paggaganapan ng mga pagpupulong ng mga delegado sa ASEAN Summit.
Ang Proclamation No. 197 na nag-tatalaga sa April 28 bilang isang special non-working holiday sa buong Metro Manila ay nilagdaan kanina ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Inaasahan na magsisikip ang daloy ng trapiko partikular na sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) na siyang magiging sentro ng mga aktibidad kaugnay sa 30th ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.