Trabaho kapalit ng pabahay isusulong sa Senado at Kamara

Kadamay1Pinag-aaralan na ng dalawang chairman ng Housing Committee ng Senado at Kamara ang pagsusulong ng panukalang “House for Work program” para sa mga mahihirap.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, pinag-uusapan na nila ni Senador JV Ejercito ang legislative action na posibleng gawin para ma-institutionalize ang House for Work program.

Sa naturang programa, kailangang pagpapawisan o pagtrabahuan ng mga mahihirap na benepisyaryo ang kanilang bahay ito’y kung sakaling walang-wala talaga silang pambayad.

Kabilang sa mga trabaho na pwedeng pasukin ng mga benepisyaryo ay paglilinis ng kalsada, tumulong sa housing projects ng pamahalaan o maging trabahador sa LGUs.

Naniniwala si Benitez na isa ang programa sa mga dapat isakatuparan upang maresolba problema sa dumaraming informal settlers.

Dagdag ng mambabatas, kung hindi kikilos ang gobyerno ay mananatiling imposible para sa mga mahihirap na magkabahay dahil tiyak na hindi naman magbibigay ng murang pabahay ang pribadong sektor.

Read more...