Trump, nanawagan ng panibagong UN sanctions laban sa North Korea

donald-trumpNanawagan si US Pres. Donald Trump sa UN Security Council na magpataw ng panibagong parusa o sanction sa North Korea.

Ito ay kaugnay sa posibilidad na ilunsad ng North Korea ang pang-anim na nuclear bomb.

Sa isang pulong sa White House kasama ang mga UN Security Council ambassadors kabila ang China at Russia, sinabi ni Trump na dapat ay maghanda ang UN ng karagdagan at mas matinding parusa laban nuclear at ballistic missile programs ng North Korea.

Giit ni Trump, isang malaking problema ng mundo ang North Korea, at dapat ay mahanap agad ito ng solusyon.

Ilang dekada na aniyang nagbubulag-bulagan ang mga tao sa problemang dala ng North Korea, at ito na aniya ang tamang panahon para solusyunan ito.

Ilan sa mga sanction na kinokonsidera ng US na ipapataw sa North Korea ay ang oil embargo, pag-ban sa airline ng North Korea, pagharang sa mga cargo ship, at pagbibigay-parusa sa mga Chinese bank na nakikipag negosasyon sa Pyongyang.

Una nang nakausap ni Trump si Chinese Pres. Xi Jinping kung saan nanawagan ang China na maging mahinahon sa kabila ng banta ng North Korea na palulubugin ang US aircraft carrier na USS Carl Vinson.

Samantala, nanindigan naman si Trump na gagawin ang lahat para mapigilan ang pinaplanong pag-atake ng North Korea sa United States gamit ang nuclear missile.

Read more...