Elton John, nagkasakit matapos ang Latin American tour

ELTON JOHN
INQUIRER FILE PHOTO

Dalawang gabi nanatili ang British pop icon na si Elton John sa intensive care unit ng isang ospital matapos makakuha ng “potentially deadly” na infection habang nasa kanyang tour sa Latin America.

Ayon sa kanyang public relations representative na si Murray Chalmers, habang nasa biyahe mula sa Santiago, Chile kung saan natapos ang kanyang Latin America tour noong April 10, matinding lagnat ang tumama kay Elton.

Sa paglapag sa Britain, agad na isinugod sa ospital si Elton kung saan siya isinailalaim sa treatment para sa isang “harmful at unusual bacterial infection”.

Noong nakaraang Sabado, April 22 nang makalabas ang British pop icon sa ospital.

Inabisuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna, kung kaya napilitan na kanselahin ang iba pang nakatakdang concert tour at shows ni Elton.

Sinabi ni Murray Chalmers na ang nakuhang infection ni Elton ay maituturing na “rare and potentially deadly”.

Posibleng nakuha ni Elton ang naturang infection sa pagpunta niya sa Brazil at Argentina.

Kinansela na ang nakatakdang US Tour ni Elton sa Las Vegas at Bakersfield.

Read more...