Central Chile, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

CHILE LINDOL
USGS PHOTO

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang central Chile gabi ng Lunes.

Ayon sa US Geological Survey, nairekord ang lindol sa 38 kilometers West ng Valparaiso, Chile.

Naganap ang naturang lindol na may lalim na 20.5 kilometers bandang 9:38 kagabi.

Una nang naitala ng USGS ang lakas ng lindol sa magnitude 6.6, na kalaunan ay naging 6.8, bago itaas sa 7.1.

Sa kabila nito, wala naman inaasahang pinsala na maidudulot ang nasabing pagyanig.

Pero naitala ang aftershocks na magnitude 5.0 at 5.4 sa kaparehong lugar, at posibleng naramdaman din sa Santiago City.

Read more...