Bilang ng mga stranded dahil kay Ineng, nabawasan na

Inquirer file photo

Bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, ayon sa Philippine Coast Guard o PCG.

Ito’y bunsod ng pagganda na ng panahon, makaraan ang pananalasa ng Bagyong Ineng sa bansa.

Ayon sa PCG, mula sa 576 kahapon ng Sabado, nasa 375 na mga pasahero na lamang ang stranded.

Samantala, hindi pa rin makabiyahe ang nasa tatlumpu’t siyam na mga barko, bukod pa sa limampung bangkang de motor at siyam na rolling cargoes.

Aabot naman sa labingsiyam na sea vessels at anim na motor bancas ang nauna nang nagpasya na huwag bumiyahe at manatili na lamang muna sa mga pantalan hanggang sa bumiti na ang panahon./ Isa Avendaño-Umali

Read more...