Makararanas ng power interruption ang ilang lugar sa Quezon Province at Cavite ngayong araw ng Linggo at bukas (araw ng Lunes).
Sa anunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO, walang kuryente sa bahagi ng Tayabas, partikular sa Mauban, Sitio Pulong Itikan, at mga Barangay Baao, Balaybalay, Liwayway, San Miguel, San Rafael at Santo Angel mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM.
Sinabi ng Meralco na ang power interruption sa mga naturang lugar ay bunsod ng line reconductoring works sa Tayabas-Mauban Roads sa Barangay Liwayway at Balaybalay, Mauban.
Walang kuryente rin sa General E. Aguinaldo Highway hanggang Salitran – Salawag Road, kabilang na sa Green Gate Subdivision, Green City Subdivision, Granville Homes, Silvertowne Subdivision, Plaza Homes Subdivision at Pallas Athena Executive Subdivision sa Barangay Anabu II-A hanggang E at Malagasang II-A, B, C, D at G, Imus, Cavite.
Ang power interruption sa mga nabanggit na lugar ay sa pagitan ng 10:00 PM hanggang 11:00 PM ngayong Linggo; at 5:00 AM hanggang 6:00 AM (araw ng Lunes).
Ang dahilan naman, ayon sa Meralco, ay ang relokasyon ng primary facilities na apektado ng DPWH footbridge construction sa Gen. E. Aguinaldo Highway in Bgy. Anabu 1-F at Anabu 1-E; at pagpalit ng nabubulok na poste sa bahagi ng Gen. E. Aguinaldo Highway in Bgy. Anabu II – A, Imus, Cavite./ Isa Avendaño-Umali