Sa tweet ng Department of Transportation-MRT 3, nakasaad na ito ay dahil sa “tracks failure”.
Nagresulta ang naturang problema sa provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard kaninang 5:56 ng umaga.
Ibig sabihin, nilimitahan ang biyahe ng MRT northbound mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station lamang.
Pero bandang 6:32 ng umaga ay bumalik na sa normal ang kanilang operasyon.
Nakatatanggap ngayon ng mga kritisismo ang MRT kasunod ng serye ng pagkasira ng mga tren matapos ang Holy Week.
Sa kabila ng ipinatupad na maintenance check-up noong Holy Week, patuloy pa rin nakaranas ng aberya ang MRT.
Una nang nagbanta ang Department of Transportation o DOTr na kanilang ite-terminate o ipawawalang-bisa ang kontrata sa maintenance provider ng Metro Rail Transit o MRT-3.