Nilimitahan ang operasyon ng Light Rail Transit-1 sa Roosevelt hanggang Gil Puyat Station ngayong umaga ng Lunes.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation, ito ay dahil sa naranasang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila kaninang madaling araw.
Sinabi ng operations manager ng LRMC na nagkaroon ng problema sa cable ng tren.
Inabisuhan naman ng kumpanya ang mga publiko na ikonsidera ang iba pang mode of transport para makaiwas sa naturang aberya.
Samantala, bandang 8:10 ng umaga, naibalik na sa normal ng operasyon ng LRT-1.
MOST READ
LATEST STORIES