Mga pulis, kakalbuhin sakaling may mapaulat na untoward incident sa ASEAN Summit

philippine-national-police-assembly-marchSakaling may hindi magandang maganap sa ASEAN Summit ngayong linggong ito, libu-libong pulis sa bansa ang kakalbuhin.

Ito ang banta ni Philippine National Police chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa mga pulis habang isinasagawa ang send-off ceremony para sa peace and order task force para sa ASEAN meeting sa Metro Manila.

Ayon kay Bato, hangad niya ang zero incident sa ASEAN Summit mula sa simula hanggang sa matapos.

Sa naturang send-off ceremony, sinabi ni Interior Acting Sec. Catalino Cuy na hindi bababa sa 40,000 na security personnel ang idedeploy para sa ASEAN Summit.

Sa 40,000 na security personnel, 18,000 dito ay mga pulis mula sa National Capital Region Police Office at police regional offices sa Ilocos region, Central Luzon at Mimaropa.

Giit ni Dela Rosa, kapag may nangyaring masama sa ASEAN Summit, lahat ng mga pulis ay kanyang ipapakalbo.

Kaya payo ng PNP chief, kailangan tutukan ng mga pulis ang kanilang trabaho.

Inaasahang mahigit dalawang libong delagado ang dadating sa bansa para sa naturang event.

Read more...